Lungsod ng Davao, namigay ng food packs sa mga nawalan ng hanapbuhay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Nanglunsad ang lokal na pamahalaan ng Davao City ng isang food assistance program para sa mga empleyado ng mga establishimentong nananatiling sarado sa ilaliim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, magbibigay ng food packs ang pamahalaang lokal sa mga displaced vendors, massage therapists, at mga manikurista na dating nagtatrabaho sa Osmeña Park at Roxas Night Market.

Nasa 1,631 na manggagawa ng karaoke bars, salons at spa, hotels at inns, kids at amusement establishments, mga pamilihan ng damit, mga kainan, isang church group, isang pambribadong paraalan, at isang grupo ng mga masahista ang unang makatatanggap ng nasabing food packs.

Dagdag pa ng alkalde, maaari rin aniyang makipag-ugnayan ang mga employers sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Davao City Reports o di kaya ang Davao City Disaster Radio (DCDR) official page kung naisin nilang mabigyan ng ayuda ang kanilang mga empleyado.

They can also directly send their request to the City Social Welfare and Development Office (CSWDO), as they are still reaching out to more affected workers of establishments that are still not operating (Puwede rin silang magpadala ng mensahe sa CSWDO dahil patuloy ang kanilang pagtulong sa mga apektadong manggagawa at establishimento na nananatiling sarado),” ani Mayor Duterte.

Samantala, nakipag-ugnayan din ang alkalde kay Councilor Danilo Dayanghirang, chairperson ng Finance Committee, na hikayatin ang mga bangko at kooperatiba na magpatupad ng mga short-term loans na may mababang interes para sa mga maliliit na negosyo.

Sapat na di umano ang dalawang taong pagbayad sa mga lonas upang matulungang makabangong muli ang lokal na ekonomiya.

Sinabi naman ni Dayanghirang na plano rin ng lokal na pamahaalan na hikayatin ang mga pawnshops at iba pang financial conduits na magpatupad ng restructuring sa mga loans; pagtatanggal sa mga surcharges at late payment interests; at pagbibigay ng ibang paraan sa pagbabayad para sa mga nangutang na apektado ng community quarantine.

The good mayor is very firm in her leadership to ease the burden of our businessmen and that our government can do something to always provide hope in this trying time of Covid-19, which until now has still no cure (Matibay ang paninindigan ng ating butihing alkade na magpaabot ng tulong sa ating mga negosyante upang mabigyan sila ng pag-asa ngayong panahon ng pandemiya, kung saan wala pa ring lunas sa Covid-19,” wika ni Dayanghirang.

Inaasahang makikipagpulong ang konsehal kasama ang mga kinatawan ng industriya upang mapag-usapan ang mga gagawing hakbang.

LATEST

LATEST

TRENDING