Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nanlolokong seller o scammer ng mga face masks online na tumigil na kundi ihuhulog sila sa Ilog Pasig. Pinaalalahanan din niya ang publiko na mag-doble-ingat sa modus na ito.
Ayon sa pangulo, “Ang iyo d’yan is i-deliver mo, papasukin mo sa loob iyong nagdala ng mask, talian mo. ‘Pag gabi, maghanap ka ng sasakyan, ihulog mo sa Pasig River. Maraming tulay d’yan, alas-3 ng madaling-araw, wala nang dumadaan d’yan, maski anong ihulog mo wala nang makialam d’yan”.
“Kung ako, iyan ang gawin ko sa inyo: talian ko iyong paa ninyo, pati kamay ninyo, saksakan ko iyong bunganga ninyo ng medyas niyong mabaho, 5 araw na walang laba tapos talian ko ng panyo. Ihulog kita sa Pasig,” dagdag pa niya.
Isa sa mga problemang kinakaharap ng bansa ang kakulangan sa face mask. Karamihan sa suplay ng mask ay binibili ng pamahalaan upang ibigay sa sektor ng kalusugan. Mandatoryo naman para sa lahat ang pagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng tahanan upang makaiwas sa hawaan ng Covid-19.
“Do not go for that kind of s**t ‘yung magbili-bili kayo online, mask (Huwag kayong magpaloko sa mga nagbebenta ng mask online), tapos ka-text ninyo [na seller] is from Pampanga, from Abra. Saan man sila magkuha ng mask doon? Wala nga sa Maynila,” babala ng pangulo.
“Dito kayo sa Maynila, sa mga holdaper, puwede pa. Puwede kayong bumili, mayroon pa yang p******** stock [ng mask] iyang mga animal na iyan,” ani Duterte.
Paalala naman ni Diterte, kilatisin muna ang mga masks bago magbigay ng bayad.