Mga pasaherong dumagsa sa NAIA, nabiktima ng fake news

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Krizjohn Rosales

Mahigit isang libong stranded na mga pasahero ang dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Hunyo 4 ng gabi.

Ang mga pasahero, na stranded dahil sa umiiral na paghihigpit sa paggalaw ng tao bunsod ng Covid-19 pandemic, ay nagtungo sa paliparan habang umaaasang makakalibre ng flight papuntang Mindanao at Bohol.

Nagpalipas sila ng gabi sa NAIA kasama ang iba pang mga chance passengers, subalit sila ay nabigo.

Somebody told us there are free PAL (Philippine Airlines) flights bound for Mindanao (May nagsabi sa aming may libreng flight daw patungong Mindanao),” giit ni Flor Alonzo na taga-Cotabato.

Kinalaunan ay lumabas din ang katotohanang sila ay nabiktima ng fake news.

Pinaalalahan naman ng airport personnel ang mga chance passengers na walang kasiguraduhang makakakuha sila ng flight.

Naunang inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na balik-operasyon na ang mga domestic flights sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Umalma naman ang ilang lokal na pamahaalan sa pagbabalik ng domestic flights dahilan ng pagkansela ng mga flights at pagka-stranded ng ilang mga pasahero sa paliparan.

Namahagi naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng pagkain at tubig para sa mga pasahero.

Ayon kay Manila International Airport Authority general manager Ed Monreal, ipagbibigay alam nila sa mga pasahero kung sakaling magkakaroon ng libreng flights sa mga darating na araw.

Mahigit 100 na pasaherong may ticket at katibayang negatibo sila sa Covid-19 ang pinayagang makapasok sa paliparan upang makauwi sa Bohol.

Nagbukas naman ng mga special flights ang Cebu Pacific patungong General Santos, Cagayan de Oro at Naga upang maiuwi ang ilang stranded na pasahero sa Kamaynilaan.

LATEST

LATEST

TRENDING