Duterte, pinuri ang pagiging “law-abiding” ng mga Pinoy; nadismaya sa protesta sa US

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging masunurin ng mga Pilipino sa batas kasabay ang pagpapahayag ng pagkadismaya sa kaliwa’t-kanang mga protesta sa Estados Unidos.

Nagpapasalamat din ang pangulo dahil walang kaguluhan sa bansa katulad ng nangyayari sa mga lungsod ng Amerika.

Aniya, “There’s a riot going on all over and it seems to me that is no end in sight (Mayroong riot na nangyayari at tila wala itong katapusan). Mabuti na lang hindi tayo ganun at natimingan naman that the Filipinos are really law-abiding”.

“Imagine if Amerika ‘to, how can you enforce the lockdown and the sequestration (paano mo ipapatupad ang lockdown at sequestration) — ah itong quarantine? Buti’t na lang ganun ‘yon so we have to respond to the problem besetting the distribution of assistance to them,” dagdag pa niya.

Sumiklab ang protesta sa Amerika noong Mayo 25 at nagpapatuloy pa rin sa kasalukuyan. Ang pagkamatay ng black American na si George Floyd, kung saan niluhuran ang kanyang leeg ng isang puting Amerikanong pulis, ang naging mitsa ng mga kaliwa’t-kanang protesta. Ang karumal-dumal na insidente ay nakunan din ng video ng ilang mga tao sa paligid.

Nangangamba ang ilang eksperto dahil posibleng magkaroon ng panibagong hawaan sa Covid-19 bunsod ng mga malawakang protesta.

Karamihan sa mga protesta ay mapayapa. Subalit may ilang nagresulta sa karahasan at nakawan sa ilang lungsod ng Amerika.

LATEST

LATEST

TRENDING