220 na Pinoy Covid-19 patients, lalahok sa WHO Solidarity Trial

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) noong Hunyo 4 na may 220 na pasyente sa bansa na lalahok sa multi-country Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire batay sa datos noong Hunyo 3, 23 mula sa 24 na kalahok na health facilities, ang inaprubahan na ng ethics committee. 20 sa mga ito ang mayroon nang aktibong patient recruitment. 

“Meron na tayong 220 patients enrolled. Ibig sabihin, tumaas tayo ng about 36 cases from the last time we reported nung May 27,” pahayag ni Vergeire. 

Ang Solidarity Trial ng WHO ay kinabibilangan ng partisipasyon ng mahigit 100 na bansang nagnanais matest ang apat na dini-develop na bakuna kontra Covid-19. Ito ay ang (1) remdesivir, (2) pinaghalong lopinavir at ritonavir, (3) lopinavir, ritonavir, at interferon beta, at (4) chloroquine. Ang mga ito ay “off-label drugs” kung saan ginawa ang mga ito bilang gamot sa ibang sakit, subalit pinaniniwalaan itong maaaring makapagaling ng Covid-19.

Kamakailan, ipinahinto ng WHO ang paggamit ng hydroxychloroquine dahil sa usaping pagkaligtasan, subalit ipinagpatuloy din ito kinalaunan.

Noong April, sinabi ng pamahalaan na kukuha ito ng 500 na pasyente para sa Solidarity Trial. “Informed consent” ang kinakailangan sa lahat ng clinical studies.

Nilinaw ni Vergeire na hindi dapat bababa sa 18-anyos at kinakailangang walang medical condition ang sino mang gustong lumahok upang hindi mapahamak sa iinuming off-label drugs.

Iginiit niyang ito rin ang dahil kung bakit hindi nakakuha ng sapat na pasyente ang virgin coconut oil (VCO) trials ng Department of Science and Technology (DOST).

Sinabi ni DOST Secretary Fortunato de la Peña noong Mayo 3 na inaprubahan ng ethics board ng University of the Philippines (UP) ang clinical trials ng VCO sa Philippine General Hospital (PGH). Subalit, inamin nitong kulang sila sa nakukuhang pasyente kaya pinalawig nito ang pag-aaral sa dalawa pang pasilidad.

Ayon naman kay Vergeire, kadalasang ginagawa sa controlled environment ang mga pag-aaral upang matiyak nang tama ang pagiging epektibo ng VCO.

LATEST

LATEST

TRENDING