Agarang pagbibigay benepisyo sa health workers, inutos ni PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Hunyo 9 ang petsang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad upang maibigay ang mga karampatang benepisyo na nakasaad sa batas para sa mga health workers na nasawi o di kaya ay nagkasakit sa Covid-19, ayon sa Palasyo.

Ito ay matapos ipagbigay-alam kay Duterte na wala pa kahit isang health worker na tinamaan ng Covid-19 ang nakatamasa ng benepisyo.

“Hanggang Martes lang po ang ibinigay ng Presidente para sa lahat ng kinauukulan na ibigay ang mga compensation benefits sa mga healthworkers na nagkasakit ng COVID-19 in the line of duty at sa pamilya ng mga namatay na health workers,” giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11469 o ang Bayanihan to Heal As One Act, ang mga pampubliko at pampribadong health workers na malubhang tinamaan ng Covid-19 habang ginagampanan ang tungkulin ay makatatanggap ng P100,000 bilang kompensasyon, habang ang pamilya naman ng mga nasawi ay mabibigyan ng P1 milyon.

Kasalikuyang nasa 32 health workers — apat na nurses, 26 na doktor, at dalawang non-medical staff — ang binawian ng buhay dahil sa Covid-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Malubha ang kondisyon ng nasa 60 health workers habang 19 naman ang itinuring na “critical cases” matapos tamaan ng nakamamatay na sakit.

Inatasan ni Senate President Vicente Sotto III on noong Hunyo 3 si DOH Secretary Francisco Duque III na agarang ibigay ang benepisyong nakasaad sa batas.

A law’s effectivity does not and cannot rely on the IRR’s existence or non-existence, especially if the provisions of the law are clear and categorical, (Ang kawalan ng IRR ay hindi rason upang hindi sundin ang malinaw na nakasaad sa batas),” giit ni Sotto sa liham nito para kay Duque, matapos sabihin ng isang kawani ng ahensya na hindi nailabas ang pondo dahil sa kawalan ng implementing rules and regulations (IRR).

Naunang sinabi ni Duque na hindi nailabas ang nasabing IRR para sa benepisyo sapagkat wala pang nailalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Budget and Management (DBM) na Joint Administrative Order para dito.

While I understand that this pandemic is an unprecedented crisis, let it not be the reason for your failure to do what is expected of you as the Secretary of Health and the Chairperson of the Inter-Agenct Task Force (Habang nauuwaaan kong nasa pandemiya tayo, hindi ito dahilan upang hindi mo gawin ang iyong tungkulin bilang kalihim ng DOH at pinuno ng Inter-Agency Task Force),” dagdag pa ni Sotto sa kanyang liham.

Ayon naman kay Senate Health Committe Chairman Senador Bong Go, “Hindi katanggap-tanggap na ‘yung mga dapat naibigay noon ay hindi pa rin naibibigay ngayon.”

Nagpadala rin ng liham kay Duque ang tinaguriang “Seatmate’s Bloc” ng Senado na kinabibilangan nina Senador Sonny Angara, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva at Migz Zubiri.

Binanggit ng mga ito sa pinadalang liham na bilisan ang pagbibigay ng naturang pera sa mga apektadong health workers dahil nakalulungkot na hindi pa rin nila ito natatanggap kahit mahigit dalawang buwan na mula noong isabatas ang Bayanihan Law.

LATEST

LATEST

TRENDING