Panibagong lockdown, ikakasira ng bansa ayon sa tagapayo ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion

Isang tagapayo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naki-usap sa pampubliko at pribadong sektor na magtulungan upang maiwasan ang pagkakaroon ng spike sa Covid-19 infections sapagkat hindi kakayanin aniya ng bansa ang muling pagpapatupad ng striktong lockdown.

The private sector and the government has to definitely prevent a resurgence that will bring back a second lockdown. A second lockdown will destroy this country, I’m already saying that (Ang pribadong sektor at pamahalaan ay dapat magtulungan upang hindi na umabot ulit sa pangalawang lockdown. Sisirain ng pangalawang lockdown ang ating bansa),” ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

Ang pagpapatupad ng pangawalang lockdown, bukod sa pagdudulot ng galit mula sa taumbayan, ay ipapasawalang-bahala ang mga naging programa at hakbang ng pamahalaan upang tugunan ang krisis, kasama na ang P1.3 trilyon na economic stimulus package.

Naunang sinabi mismo ni Duterte na posible niyang ibalik ang enhanced community quarantine (ECQ) kung magkakaroon muli ng pagtaas sa bilang ng impeksyon. Kasalukyang mahigit 18,000 na ang nagpopositibo sa Covid-19 sa bansa.

Inaprubahan sa Mababang Kapulungan sa ikalawang pagbasa ang panukalang Philippine Economic Stimulus Act, na isang ₱1.3-trilyon recovery plan para sa mga apektado ng pandemiya.

Ilang mambabatas naman ang naghain ng mga panukalang magpapatagal sa validity ng Bayanihan to Heal as One Act, kung saan binigyan nito ng karagdagang kapangyarihan ang pangulo upang lutasin ang Covid-19 pandemic.

Iginiit din ni Concepcion na patuloy ang banta ng resurgence ng coronavirus. Kaya naman iminungkahi nito ang pagpapaigting ng testing at stirktong pagsunod sa health protocols katulad ng physical distancing, pagsusuot ng face masks, at pagsususot ng protective equipment.

Sa pagpapagaan ng community quarantine sa buong bansa, nagbabala ang Department of Health (DOH) at ilang opisyal na sumunod palagi sa health guidelines.

LATEST

LATEST

TRENDING