Mass testing sa mga opisina ng pamahalaan, ipinapanawagan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nanawagan ang grupong Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) na magtupad ng mass testing sa mga opisina ng pamahalaan upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19 ngayong panahon ng general community quarantine (GCQ).

Inaasahang maraming mga empleyado ang magsisipagbalik sa kani-kanilang mga opisina sa GCQ.

“Nag-GCQ sila ngayon pero ayan, siguradong dadami na po ang magkakasakit,” ani Courage Secretary General Manuel Baclagon.

Sa Marikina City Hall, may mga kawani katulad ng trade officer na si Maria Lourdes dela Paz na kinakailangang makisalamuha sa iba’t-ibang tao bilang parte ng tungkulin.

“Ako po ang mga humaharap sa mga gustong magtanong tungkol sa pautang so kailangan po nanrito ako sa opisina,” wika niya.

Sinabi naman ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na “Ine-encourage natin ang mga tao na mag-transact digitally na ngayon”.

Hinikayat naman ng Civil Service Commission (CSC) ang mga opisina ng pamahalaan na maglunsad ng mga alternatibong sistema katulad ng work-from-home, skeleton force, at 4-day work week upang maibsan ang bilang ng mga tao sa opisina.

Kinakailangan ding tiyakin ng mga pinuno ng opisina na may health at psycho-social interventions, at sapat na personal equipment ang mga empleyado.

LATEST

LATEST

TRENDING