Ilang branch ng Victoria Court, nalugi dahil sa Covid-19 pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inanunsyo ng Victoria Court na isasara nito ang Cuneta, Gil Puyat, at Malate branches dahil sa pagkalugi bunsod ng Covid-19 krisis.

Subalit, ang mga branches nito sa Balintawak, Hillcrest at Panorama sa Pasig, Las Piñas, Malabon, North Edsa, at San Fernando sa Pampanga ay mananatili namang bukas.

Ang 10 drive-in hotels ng Victoria Court sa Metro Manila at Pampanga ay pag-aari ng magkapatid na sina Atticus King at Angelina Mead King.

Ayon kay Atticus King, sinubukan nilang magpakatatag sa gitna ng krisis subalit napagpasyahan nilang magbawas ng empleyado dahil sa pagkalugi.

For clarity, we both share the brand ‘Victoria Court,’ but we have completely different management groups. Given that, our solutions to the ongoing situation are completely different and unrelated. For my group, we have decided to retrench and we are trying our best to keep the lights on (Bilang paglilinaw, pareho kaming may-ari ng ‘Victoria Court’ brand, subalit may iba kaming palisiya sa management kaya naman magkaiba ang solsuyong aming naiisip. Para sa grupo ko, napagpasyahan namin na magbawas ng ilang empleyado upang mapanatili ang operasyon),” paliwanag ni Atticus tungkol sa kaibahan ng kanyang pamamalakad sa kanyang kapatid na si Angelina.

Bagama’t ginagamit ang ilang mga drive-in hotels ng pamahalaan at Business Process Outsourcing (BPO) upang magsilbing pansamantalang tirahan ng mga medical frontliners at ibang empleyado, sinabi ni King na hindi ito ang “ideal” na sitwasyon para sa kanilang negosyo.

Sa kasalukuyan, ang mga hotel at motel ay tumatanggap lamang ng mga may prior booking, nagbabalak manatili nang matagal, mga biyaherong magpapalipas ng gabi, mga balikbayang overseas Filipino workers (OFWs) na sumasailalim sa 14-day quarantine, mga stranded na pasehro, health workers, government frontliners at iba pang pampribadong empleyado.

Sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), katulad ng Metro Manila, hindi nakapagsasagawa ng 100% operasyon ang mga hotel at ipinatutupad din ang “no leisure travel” na palisiya. Sa mga lugar naman sa ilalim ng modified GCQ, ang mga hotel, resort, motel, homestay, and iba pang parehong pasilidad at tumatanggap ng mga turista at business travelers, subalit limitado lamang sa 50% na kapasidad.

Sinasabing ang industriya ng turismo ang pinaka-matinding napinsala bunsod ng Covid-19 pandemic dahil sa paghihigpit sa paggalaw ng tao sa buong mundo. Dahil dito, naging kalbaryo ito para sa mga tour operator at mga may-ari ng lodging facilities.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), tinatayang nasa ₱60.25 bilyon ang nawala sa sektor ng turismo sa dalawang buwang lockdown sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING