Errol Spence, gustong makaharap si Pacquiao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
boksingerong si Errol Spence

Gustong pag-isahin ng Amerikanong boksingerong si Errol Spence ang lahat ng belt sa loaded welterweight division at nagpahayag ito ng pagnanais na makalaban si Manny Pacquiao. 

Ang 30-anyos na si Spence ay nagtataglay ng 26-0 record, na may 21 wins by knockout. Kasalukuyan niyang hawak ang IBF at WBC welterweight titles, matapos talunin si Shawn Porter noong Setyemre 2019 sa pamamagitan ng split decision.

My realistic goals are Danny Garcia, Pacquiao, and Terence Crawford (Ang gusto kong makaharap ay sin Danny Garcia, Pacquiao, at Terence Crawford,),” wika ni Spence.

Nakatakdang lumaban si Spence kontra kay Garcia noong Oktubre 2019 subalit naaksidente ito kaya natigil ng plano.

Nanatiling bukas naman ito sa mga pag-uusap sa posibilidad na makaharap si Pacquiao, na kasalukuyang hawak ang  WBA “super” welterweight title, at si Crawford, na hawak ang WBO belt.

Huling lumabaan si Pacquiao noong Hulyo 2019, kung saan tinalo nito si Keith Thurman sa pamamagitan ng split decision upang makamit ang “super” version ng WBA welterweight belt.

Nanatili namang tikom ang bibig ni Pacquiao tungkol sa mga plano sa hinaharap bagama’t hinahamon siya ng ilang boksingero tulad nina Porter at Spence.

LATEST

LATEST