Abrogasyon ng VFA, pansamantalang sinuspinde ni Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Pansamantalang sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang abrogasyon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos bunsod ng tensyon sa pagitan ng mga “super power” o makapangyarihang mga bansa sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic, ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Sa isang diplomatic note na ipinadala ng pangulo sa US Embassy noong Hunyo 1, ipinag-utos ni Duterte na pansamantalang itigil ang pagbabasura sa VFA bunsod ng tensyong pulitikal at iba pa sa rehiyon. Natanggap na ng Washington ang nasabing note, ani Locsin.

Ang suspensyon ay magtatagal ng anim na buwan, na puwedeng pahabain naman ni Duterte ng anim pang buwan.  

Naunang ninais ng pangulo na wakasan ang VFA, ang mekanismo sa pinagsamang pag-eensayo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo, dahil sa pagbaling ng foreign policy ng bansa sa Tsina. Ang pananalasa ng Covid-19 ay nagpalala ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina kung saan sinisi ni US President Donald Trump ang Tsina dahil sa pandemiya.

A man who does not change his mind cannot change anything. He ran on the slogan ‘change is coming.’ But in the vast and swiftly changing circumstances of the world, the time of pandemic and heightened superpower tensions, a world leader must be quick in mind and fast on his feet for the safety of our nation and the peace of the world (Ang taong hindi nagbabago ng isip ay walang mababago. Tumakbo siya sa kampanyang ‘change is coming’. Ang mga nagbabagong pangyayari sa mundo ay hudyat para sa isang lider na agarang umaksyon para sa kaligtasan ng kanyang mga mamamayan at sa kapayapaan ng mundo),” wika ni Locsin.

Dagdag pa ng kalihim. “We look forward to continuing our strong military partnership with the United States even as we continue to reach out to our regional allies in building a common defense towards enduring stability and peace and continuing economic progress and prosperity in our part in the world (Inaaasahan namin ang pagpapanatili ng matatag na kooperasyon sa US military kasabay ng pakikipag-kooperasyon natin sa mga karatig-bansa sa rehiyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon)”.

LATEST

LATEST

TRENDING