Pamantayan ng dine-in sa mga kainan, nilabas ng IATF

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
(Mula sa kaliwa) DTI Secretary Ramon Lopez, DTI Chief of Staff and Undersecretary for Management Services Group Ireneo Vizmonte, McDonald’s President at CEO Kenneth Yang, at NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Naglabas ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng health protocols tungkol sa pag dine-in sa mga restawran.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez at National Task Force (NTF) against Covid-19 chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na binisita nila ang McDonald’s, Shakey’s, at Tim Ho Wan sa SM North Edsa noong Mayo 31 upang ipakita ang tamang pagsunod sa minimum health protocols at social distancing ng mga kainan.

Ito ang mga inapbrubahang pamantayan tungkol sa dine-in services ng mga restawran:

  • Pagsasanitize sa mga mesa at upuan pagkatapos gamitin
  • Distancing ng mga mesa at upuan nang di bababa sa isang metro
  • Pagpapahintulot sa face-to-face seating basta may dividers
  • Paglalagay ng color-coded floor markings bilang gabay sa pagpila ng mga customer
  • Maayos na bentilasyon sa establishimento
  • Pagkakaroon ng sanitizing equipment at tools
  • Paglalagay ng menu sa bawat mesa
  • Pagsasagawa ng contactless order-taking
  • Paglalagay ng plastic sa mga furniture upang mas mapadali ang sanitation
  • Pagtatapon ng mga papel at tisyu mula sa mga basurahan
  • Paglilinis sa mga palikuran gamit ang sapat na sabon, tubig, at tisyu
  • Disinfection ng high-risk areas tulad ng order and bar counters bawat 30 minuto

Madatoryo rin ang pagtatayo ng service stations: mga designated areas para sa take-away/pick-up; hiwalay na lababo para sa kitchen staff at dine-in customers; contactless drive-thru counters; at, pagpapasara ng mga play areas para sa mga bata.

LATEST

LATEST

TRENDING