Nagpasya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapatupad ito ng modified number coding scheme simula Hunyo 8, ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia
Subalit, hindi kabilang sa naturang coding scheme ang mga sasakyang may mahigit isang pasahero upang mapakinabangan nang husto ang kapasidad nito.
“It will be (out) on June 8. Dapat June 1 na yan. Problem is, there’s a process. You have to publish it first in newspapers because it’s new guidelines (Dapat Hunyo 1 pa ito kaya lang dapat ilathala muna sa diyaryo kaya sa Hunyo 8 na lang). Maglabas kami ng modified number coding. Remember, before the COVID, basta coding ka, hindi mo talaga pwedeng talagang pwedeng gamitin yan, kailangan nakaparada lang yan. Now, we’re giving incentive na ‘O sige, sayang naman dahil konti ang public transportation natin, pag coding ka gamitin, mo pero please, dalawa kayo.’ Why? We need to maximize all vehicles coming out,” paliwanag ni Garcia.
Dagdag pa niya, “We have data (May datos kami), 70 percent (ng vehicles) mag-isa lang e. So if ever coding ka, sige gamitin mo na, kaya lang i-maximize natin. Better than not using that coding car, just like before. Of course, there’s always exemptions. There’s no such thing as absolute. (May mga ilang papayagan pa rin) Pag ‘yan ay emergency, a matter of life and death, for medical frontliners, okay yan”.
Iginiit ni Garcia na katulad ng coding scheme sa lunsgod ng Makati ang ipatutupad ng MMDA. Aniya, “May coding ang Makati, ang exempted sa coding yung may dalawang sakay. I think this is a very good idea…Ang in-eecurage natin dito, hindi yung magsakay ka ng kahit sino, ine-ecourage natin kung officemate mo yan or anak mo or wife mo”.
Sinuspinde ang number coding scheme noong Marso 13 bunsod ng pagpapasailalim ng Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ) upang makatulong sa pagpigil sa paglaganap ng Covid-19.
Kasalukuyang nasa general community quarantine (GCQ) ang Kamaynilaan kung saan pinapayagan na ang mga pampublikong sasakyan sa bawas na kapasidad.