Mga lumabag sa curfew, pinalangoy sa maduming kanal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Hindi makatao” ang naging paglalarawan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga opisyal ng Barangay San Antonio, Agdao, Davao City sa utos aniya ng barangay na palanguyin sa maduming kanal ang mga lumabag sa curfew.

Hindi ito ikinatuwa ng ilang netizens matapos matunghayan sa social media ang kumalat na video ng naturang insidente.

Ayon sa akalde, sa ilalim ng Section 8 ng Omnibus Guidelines sa implementasyon ng community quarantine sa bansa, pinapayagan ang mga lokal na pamahalaan na magpasa mga mga ordinasang magpapatupad ng curfew para sa mga hindi manggagawa sa nasasakupang lugar at patawan ng patas at makataong parusa ang mga lalabag.

Humane ba ang pa-swimingon ang tao, palangoyon ang tao sa kanal? No. It’s not humane. What is humane kay gipa-limpyo sila dapat sa kanal” (Makatao ba ang pagpapalangoy ng tao sa kanal? Hindi! Dapat pinaglinis na lang sila ng kanal),” diin ni Duterte.

Hinala ng alkalde, baka nagalit ang mga opisyal ng barangay kaya’t nagawa ang hindi makataong pagpaparusa. Bagama’t dapat pagsabihan ang mga lumabag sa curfew, hindi talaga tama ang ipinatawa na parusa sa mga lumabag.

Aniya, “Siguro kulang lang sa pagsabot sa tao ngano kinahanglan ni siya buhaton and as I said tungod rana sa kasuko but it is not correct. So atong i-call ang attention sa kung kinsa man to nagbuhat ato (Siguro kulang lang sa pag-unawa ang mga tao sa layunin ng curfew, subalit hindi tama ang ginawa ng barangay. Tinatawag ko ang atensyon nang sino mang responsable sa naturang insidente).

LATEST

LATEST

TRENDING