Mga airlines, nagkukumahog makabangon mula sa pagkalugi dahil sa Covid-19 pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Inaasahang mawawalan ng P150 bilyong kita ang mga operator ng airlines sa bansa sa second quarter ng taon dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

When we were operating and still had revenue for January, February and half of March, it [revenue loss] was already P5 billion (May kita pa kami noong Enero at Pebrero subalit nawalan na kami nang P5 bilyon noong kalahating bahagi ng Marso),” paliwanag ni Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) vice president and executive director Robert Lim.

Dagdag pa nito, “The fixed cost to pay even if you don’t fly is P7 billion per month (Magbabayad pa rin ng P7 bilyon bawat buwan kahit nakahinto ang mga flight)”.

Ang ACAP, na kinabibilangan ng AirAsia Philippines, Cebu Pacific, Philippine Airlines at iba pang mga katuwang, ay nakipagpulong sa mga senador para sa suportang pinansyal sa sektor ng aviation upang makapagsagawa ulit ng operasyon pagkatapos ng quarantine.

Nanawagan ulit ang ACAP sa pamahalaan upang mabigyan ang mga miyembro nito ng ayuda sa ilalim ng ipinapanukalang Philippine Economic Stimulus Act. Naunang sinabi ng ACAP na mangangailangan ito ng P8.6 bilyon na buwang sabsidiya kabilang na ang pagpapasahod upang mapigilan ang tuluyang pagkalugi.

Nais ng grupong makatanggap ng suporta sa pamamagitan ng long term credit facility, working capital credit lines, credit guarantee arrangements, at pansamantalang hindi pagbayad sa navigational at airport charges.

 “To be clear, we are not asking for a bail-out or dole-out from government. What we are asking for is a hand-up to help airlines recover (Hindi kami humingi ng pagtubos mula sa pamahalaan. Ang gusto namin ay suportahan kami sa pagbangon namin)”, giit ni Lim.

Sa ulat ng International Air Transport Association, maaaring mawalan ng 548,300 na trabaho ang sektor ng airlines sa Pilipinas ngayong taon at mabawasan ang kita ng industriya ng halos $4.48 bilyon.

Apektado rin aniya ang travel demand na papalo sa 28.85 milyong pasahero mula sa naunang estimasyon na 21.87 milyong pasahero.

Sa buong mundo, nabawasan ng $113 bliyon sa 2020 ang sektor ng airlines.

There will be more casualties if governments do not step in urgently to ensure airlines have sufficient cash flow to tide them over this period (Malulugi ang airlines kung hindi tutulungan ng pamahalaan ang indistriya upang matiyak ang sapat na pagdaloy ng pondo ngayong krisis,” pagbibigay diin ni IATA regional vice president for Asia-Pacific Conrad Clifford.

Subalit, sa pagpapagaan ng quarantine at pagpapahintulot ng pamahalaan na muling magsagawa ng operasyon ang mga airlines, sinabi ng ACAP na nakahanda na ito tumahak sa “new normal”.

Ayon kay Lim, nakahanda na ang mga airlines sa pagpapatupad ng minimized contact sa pagitan ng mga pasahero at airline staff; pagpapaigting ng digital na transaksyon sa check-in at boarding; at pagsasagawa ng disinfection sa mga eroplano at pasilidad.

Tanging mga pasaherong may kumpirmadong flight lamang ang makakapasok sa mga paliparan. Mandatoryo rin ang thermal scanning at pagsusuot ng face masks bago pumasok sa paliparan.

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade na papayagan na ang mga domestic flights simula Hunyo 1 sa mga general community quarantine to general community quarantine (GCQ-GCQ) areas, sa kondisyon na may pahintulot ito mula sa nasasakupang local government units (LGUs).

LATEST

LATEST

TRENDING