Malacañang: Huwag nating sayangin ang mga naging sakripisyo kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Sa pagpapatupad ng mas magaang quarantine sa buong kapuluan, muling nanawagan ang Malacañang sa publiko na makipagkooperasyon ito sa awtoridad upang malaban ang banta ng Covid-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “The government cannot fight COVID-19 alone. We need the concerted effort of everyone. The sacrifices of our people in the past 70 or so days are laudable and we must not put these to naught. It may be difficult for some, especially those who will physically report, but we live in extraordinary times and situation (Hindi kaya ng pamahalaang labanan ang Covid-19 mag-isa. Kailangan namin ang kooperasyon ng bawat isa. Huwag nating sayangin ang mga naging sakripisyo sa mga nakaaraang 70 na araw o higit. Mahirap ito para sa ilan, lalo na ang mga frontliners, subalit hindi normal ang ating sitwasyon)”.

Mula sa from modified enhanced community quarantine (MECQ), nasa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) na ang Kalakhang Maynila alinsunod sa planong pagbubukas muli ng ekonomiya.

Bukod sa Metro Manila, nasa GCQ na rin ang “moderate-risk” areas tulad ng Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Pangasinan, Albay, Central Visayas, Baguio City, Iloilo City, Zamboanga City, at Davao City.

Ang Cebu City naman ay nagtransisyon mula enhanced community quarantine (ECQ) patungo sa MECQ. Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay kasalukuyang nasa modified general community quarantine (MGCQ).

Bagama’t magaan na ang sitwasyon ng quarantine sa buong bansa, maaari pa ring magpatupad ng lockdown sa isang barangay o komunidad kung mataas ang bilang ng Covid-19 cases sa mga lugar na ito. Hindi naman sinabi ng pamahalaan kung hanggang kailan matatapos ang quarantine sa Kamaynilaan.

Sa GCQ, mas maraming industriya ang inaasahang magbubukas at balik-operasyon na rin sa limitadong kapasidad ang mga pampublikong sasakyan. Sa MGCQ naman, maaari nang lumabas lahat at puwede na rin ang mga pagtitipon sa kondisyon na kalahati lamang ng venue ang dapat mapunan upang matiyak ang pagsunod sa health standards.

Sinabi rin ni Roque na naglabas na ang pamahaalan ng mga pamantayan sa mga opisina para sa mga employer at empleyado upang makatulong sa pagpigil ng paglaganap ng Covid-19.

LATEST

LATEST