Isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-10 na lingguhang ulat niya sa Kongreso noong Hunyo 1 alinsunod sa nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act. Narito ang ilang natatanging bahagi ng naturang ulat:
- Sa datos noong Mayo 29, 98% o 17,579,395 na pamilya ang nabigyan mula sa Assistance to Individuals in Crisis (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 359,027 namang benepisyaryo ang hindi pa nabibigyan.
- 4.22 milyong benepisyaryo ang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), 13.29 milyon ay non-4Ps members, at 62,028 naman ay mga drayber ng transport network vehicle service (TNVS) at public utility vehicles (PUVs) sa Kalakhang Maynila.
- Aabot sa 1,984,787 ang nagparehistro sa ReliefAgad System ng DSWD kung saan ginawang electronic ang distribusyon ng pangalawang bugso ng ayudang pinansyal.
- Karagdagang P1 bilyon ang inaprubahan para sa CAMP Abot-Kamay and Pagtulong (AKAP) for Displaced OFWs ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga target beneficiaries. Sa ngayon, 128,538 overseas Filipino workers (OFWs) ang napaglingkuran at tinatayang P1.316 bilyon ang nagastos.
- Samantala, 657,201 target beneficiaries ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) for Affected Formal Workers ng DOLE ang nabigyan ng kabuuang P3.286 bilyon.
- Natulungan din ng DOLE ang lahat ng 337,198 na benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na gumastos ng halos P1.264 bilyon.
- Sa Financial Subsidy for Rice Farmers (FRSF) program naman ng Department of Agriculture (DA), 585,914 beneficiaries ayon sa datos noong May 26 ang nabigyan ng tulong. Papalo sa P2.956 bilyon ang nailipat sa Land Bank of the Philippines.
- Bumili ng 6,062,019 personal protective equipment (PPE) sa halagang P12.1 bilyon ang Department of Health (DOH). Karagdagang 65,330 PPE sets din ang nabili mula sa naipon sa nakaraang procurement. Nasa kabuuang 1,458,000 PPE sets o 23.79% ang naihatid.
- 9 PCR test kits ang nabili sa halagang P1.6 bilyon at inaasahang maihahatid sa susunod na buwan. Di rin bababa sa 10 units ng automated nucleic acid extraction machines ang nabili sa pamamagitan ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) sa halagang P400 milyon.
- Sa datos noong Mayo 27, sa 6,807 na slots para sa hiring ng health workers, 2,753 lamang ang napunan nito. 1,173 ang itatalaga sa Kalakhang Maynila.
- Base sa tala noong Mayo 26, 315,363 tests ang naisagawa sa 289,732 katao. Ito ay mas mataas sa 56,191 tests na isinagawa noong Mayo 19.
Basahin ang kabuuan ng ika-10 na ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso: