GCQ, isang malaking sugal para kay Duterte ayon sa mga eksperto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sa pagwawakas ng isa sa mga pinakamahabang lockdown sa mundo hinggil sa pagtugon sa Covid-19 pandemic, muling susubukang ibalik nang dahan-dahan ang normal na pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapagaan ng quarantine sa buong bansa.

Ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso hanggang Mayo ay nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya at pagkawala ng 22 milyong trabaho, ayon sa mga opisyal ng pamahalaan.

Napagpasyahan ni Duterte na magpatupad ng mas magaang community quarantine sa buong bansa bagama’t naitala ang pinakamaraming kaso ng Covid-19 sa isang araw noong nakaraang linggo. Ang pagtaas na ito ay dahilan ng pagsasaayos ng mga testing backlogs.

“Lahat na ito po ay ginagawa namin, believe me (paniwalaan niyo ako), because the interest of the nation calls for it, demands for it actually (dahil kinakailangan ito ng bansa)”, pahayag ni Duterte.

Ayon kay University of Santo Tomas Political Science Professor na Dennis Coronacion, “This is his biggest gamble yet because whatever happens, it’s on him (Ito ang pinakamalaking niyang sugal dahil kung ano man ang mangyari, responsibilidad niya ito)”.

Halos lahat ng sektor maliban na lamang sa entertainment at leisure, ay balik-operasyon na sa GCQ. Ang GCQ aniya ay isang hakbang sa itaas ng “new normal”, kung saan minimum health standards lamang ang dapat pagtuunan ng pansin.

Iginiit ni Coronacion na pagbabalanse ng kalusugan at ekonomiya ang pangunahing dahilan ni Duterte sa pagpapatupad nito ng mga palisiya.

Ayon naman sa University of the Philippines political analyst Jean Encinas-Franco, magkakaroon ng kaguluhan kung hindi masusunod ang health standards sa pagpapagaan ng community quarantine.

Binanggit nitong ang naghihikahos na estado ng impraktrakturang pangkalusugan at sosyal sa bansa ay nagsilbi sanang hudyat para sa pamahalaan na sa umpisa pa lang ng pandemiya ay mahihirapan na ang Pilipinas sa patugon nito sa Covid-19 kumpara sa ibang bansa.

This would very much affect the public’s confidence in him mainly because if you think about it, the people who will most likely be affected by the GCQ are the working population, and the small and medium-scale industries (Posibleng maapektuhan ang populiridad ng pangulo dahil ang pangunahing maapektuhan sa GCQ ay ang mga manggagawa at maliliit na industriya” wika ni Franco.

I guess the length is a factor of the fact that we are not prepared (Ang itinagal na haba ng lockdown ay nangangahulugang hindi tayo handa” dagdag pa niya.

Binigyang diin ng mga analysts na hindi naipahiwatig ng maayos ng pangulo ang mensahe nito sa pagtugon sa Covid-19 dahil sa kung anu-anong paksa ang tinatalakay nito sa mga broadcast nito tuwing dis-oras ng gabi.

Most of his statements were vague and do not generate confidence (Karamihan sa kanyang mga naging pahayag ay malabo)…In fact, at times, combative pa ang words (palabang mga salita) na kaniyang ginagamit,” ayon kay Coronacion.

Ayon naman kay Encinas-Franco,  hindi nagdudulot ng tiwala mula sa publiko ang mga pananalita ng pangulo at sa halip ay pinananatili nito ang mga agam-agam ng taumbayan tungkol sa pandemiya.

Dagdag pa niya, ang Covid-19 pandemic ang magsisilbing sukatan ng pananaw at tiwala ng publiko kay Duterte.

Sa ngayon, hindi pa malinaw aniya kung tama ba ang mga ginawang hakbang ng pangulo upang lutasin ang krisis, ayon sa mga dalubhasa.

LATEST

LATEST

TRENDING