DOH: Pilipinas, kontrolado na ang banta ng Covid-19 dahil sa pagbaba ng mga panibagong kaso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Sinabi ng Department of Health (DOH) noong Mayo 30 na kontrolado na ng bansa ang pagresponde kontra Covid-19 sapagkat bumaba na ang bilang ng mga “fresh cases” o bagong mga kaso. Bumaba na rin aniya ang doubling time at mortality rate ng Covid-19.

Dagdag pa ng DOH, naiulat din ang “low critical care utilization rate” sa mga intensive care unit beds at mechanical ventilators ng mga ospital. Nangangahulugan ito na may sapat na kapasidad ang sistemang pangkalusugan ng bansa sa pagtungo nito sa general community quarantine (GCQ).

Subalit, iginiit ng DOH na patuloy itong magbabantay at magsusuri sa mga datos dahil sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa pag-iral ng GCQ.

Naunang ini-ulat ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagkakaroon ng pagbaba sa mga panibagong kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang ahensya ng 46 na mga panibagong kaso noong Mayo 29, mas mababa sa 109 na mga panibagong kasong naitala sa nakalipas na araw. Nabawasan din daw ang bilang ng mga nasawi na nangangahulugang nalalapit na sa “peak” ang Covid-19 pandemic.

The deaths that we validated — the cases of deaths based on date of death and not the date of reporting — are already decreasing. The continued decrease in deaths, based on studies, is a good sign that epidemic is already nearing its peak (Ang mga naitalang kaso ng pagkamatay base sa araw ng pagkamatay at hindi sa araw ng pag-uulat, ay patuloy na bumababa. Ang pagbabang ito ay magandang senyales na malapit na sa ‘peak’ ang Covid-19 pandemic)”, paliwanag  ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING