Bong Go: Maging mapagmatyag tayo laban sa katiwalian

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Bong Go

Sa ginanap na pagdinig ng Senate health committee noong Mayo 26 at 28, pinaalalahanan ni Senador Bong Go ang publiko na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga anomalya at kurapsyon hinggil sa pagbili at pagbenta ng mga medical equipment habang patuloy ang pagresponde ng pamahalaan kontra Covid-19.

 “In times of crisis, every peso counts. While government maximizes its limited resources, a lot of our fellow Filipinos have also lost jobs, livelihood and savings. We are fighting for survival – survival is the name of the game here. We should not allow corruption and abusive business practices to take advantage of the vulnerabilities of fellow Filipinos (Sa panahon ng krisis, bilang ang bawat piso. Limitado ang pondo ng pamahalaan at karamihan sa ating mga kababayan ay nawalan ng hanapbuhay. Lumalaban tayo para mabuhay. Hindi natin dapat hayaang magtagumpay ang pang-aabuso at kurapsyon sa ating kapwa Pilipino),” pahayag ni Go.

Hinikayat niya ang taumbayan na huwag matakot sa pagsumbong sa mga awtoridad. Aniya, siya na raw ang bahalang magbulong ng mga reklamo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangako si Go noon pa na babantayan nito ang ano mang anomalya sa pagbili, pagbenta, at distribusyon ng mga medical equipment at supplies ngayong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

We are ready to conduct investigation on all of these alleged (Handa kaming magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa di umanong) overpriced medical supplies, equipment and packages, including the COVID-19 test,” wika ng senador.

Bilang miyembro ng  Joint Congressional Oversight Committee sa implementasyon ng Bayanihan To Heal as One Act, igniit ni Go na “every centavo counts (bilang ang bawat sentimo)” sa paggastos ng pondo ng taumbayan.

Subalit, binigyang diin din niya na bibigyan ng pagkakataon ang mga ahensya ng pamahalaan at iba pang mga sangkot sa alegasyon ng katiwalian upang magpaliwanag.

Sa pagpupulong ni Go sa mga opisyal ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc., umapela ito sa suporta ng business community sa pamamagitan ng kooperasyon sa pagsugpo ang katiwalian sa gobyerno.

LATEST

LATEST

TRENDING