Barangay 847 sa Maynila, sasailalim sa GCQ sa Hunyo 1

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Manila City Mayor Isko Moreno

Sa pag-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Kamaynilaan sa darating na Hunyo 1, hindi maipapabilang dito ang Barangay 847 sa Lungsod ng Maynila sapagkat isasailalim ito ni Manila Mayor Isko Moreno sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Yorme, ang lockdown ay mag-uumpisa ng alas-12 ng madaling araw sa Lunes, Hunyo 1, at magtatagal hanggang 11:59 P.M. sa Martes, Hunyo 2, para sa kabuuang 48 oras.

Ang ipatutupad na lockdown ay bunsod ng pagkakaroon ng apat na kumprimadong kaso ng Covid-19 at anim na suspected cases sa naturang barangay.

Sa ilalim ng lockdown, ipinagbabawal na lumabas sa kani-kanilang mga tahanan ang mga residente. Magkakaroon din ng surveillance, rapid-risk assessment, at testing operations. 

Hindi naman kasama sa lockdown ang mga frontliners katulad ng health worker, militar, utility worker, at iba pa.

Ang station commander ng police station na nakasasakop sa barangay ay inatasan din ni Moreno na magtalaga ng mga tauhang magbabantay sa pagpapatupad ng lockdown.

LATEST

LATEST

TRENDING