Ugnayan ng US at WHO, pinutol na ni Trump

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos

Tuluyan nang winakasan ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos ang pakikipag-ugnayan nito sa World Health Organization (WHO), isang hakbang na ninais niyang gawin noon pa.

Because they have failed to make the requested and greatly needed reforms, we will be today terminating our relationship with the World Health Organization and redirecting those funds to other worldwide and deserving, urgent global public health needs (Dahil hindi nila naipatupad ang mga kinakailangang reporma, pinuputol na namin ang relasyon sa pagitan ng US at WHO at ibabaling ang ipinundar na pondo sa iba pang mga pangangailangang pangkalusugan na dapat mas pagtuunan ng pansin,” pagbibigay diin ni Trump.

Binanatan din ni Trump ang Tsina tungkol sa hindi pagsagot nito sa mga katanungan ng mundo hinggil sa Covid-19. Ilang beses na aniyang hindi nag-uulat ng tamang impormasyon ang Tsina sa WHO at sa halip ay inimpluwensiyahan lang ang WHO na magsinungaling sa mundo.

Dagdag pa ni Trump, “Countless lives have been taken and profound economic hardship has been inflicted all around the globe (Hindi mabilang na mga buhay ang nawala at malubhang krisis sa ekonomiya ang idinulot ng coronavirus sa buong mundo)”.

LATEST

LATEST

TRENDING