SAP para sa mga consumer ng kuryente, ipinetisyon sa ERC

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nagsumite ang grupong Bayan at ilang grupo ng petisyon sa Energy Regulatory Commission (ERC) upang ipanawagan ang pagpapatupad ng social amelioration program (SAP) para sa mga consumer ng Meralco na apektado aniya dahil sa umiiral na community quarantine.

Nakasaad sa petisyon ang pagnanais na i-waive ang bayarin ng mga tahanang may average monthly consumption na 200 kilowatt hour (Kwh) pababa. Ipinababasura rin ang pagsingil para sa unang 200 kWh ng mga tahanang may average monthly consumption na higit sa 200 kWh hanggang 500 kWh.

Ayon kay Bayan Secretary-General Renato Reyes, ang sakop ng kanilang hiling tungkol sa electricity bills ay ang dalawang buwan kung kailan ipinatupad ang lockdown.

Bagama’t ipinag-utos ng ERC ang paglunsad ng staggered payment scheme o paunti-unting pagbayad ng electricity bills, mahihirapan pa ring magbayad di umano ang mga consumer lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay sa kasagsagan ng lockdown.

Nilinaw naman ni Meralco spokesperson Joe Zaldiarraga na isa lang ang Meralco sa maraming dapat isaalang-alang sa energy supply chain. Dagdag pa niya, dapat ding konsultahin ang iba pang mga kabilang sa industriya ng eherhiya hinggil sa inihaing petisyon.

Binangiit din ni Zaldiarraga na patuloy ang pagiging aktibo ng Meralco sa pagtulong sa laban kontra Covid-19. Sa katunayan, hindi nito sinisingil ang pagkonsumo ng kuryente ng ilang pasilidad na ginagamit sa pagresponde sa Covid-19 pandemic.

Tugon naman ni ERC spokesperson Florisinda Digal, dadaan sa tamang proseso ng pagsusuri at pag-aaral bago bigyan ng kapasyahan ang isinumiteng petisyon.

LATEST

LATEST

TRENDING