Mayor Sara Duterte, nakatanggap ng mensahe mula sa ama sa kaarawan nito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte

Sa pagdiriwang ng ika-42 na kaarawan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte, binati ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang alkalde sa pamamagitan ng video message.

Be true to your country. Work hard for the people. And the rewards I think are there, made in heaven, not here. Trabaho ka lang and be good (Manatiling tapat sa bansa. Maging masipag para sa taumbayan at ikaw ay bibiyayaan sa langit. Magtrabaho ka lang at maging mabuti,” mensahe ng pangulo para sa kanyang anak.

Happy birthday, I love you,” dagdag pa niya.

Ikinuwento ni Duterte na alam na niyang magiging alkade ng Davao si Sara kahit noong munting sanggol pa lamang ito. Wika ng pangulo na naging alkalde bago ang anak, “Alam ng nanay niya, when I was cuddling the baby (habang kinakandong ko ang sanggol)… I’d call her ‘Inday’ and she will be mayor of Davao City (Tatawagin ko siyang ‘Inday’ at magiging alkalde siya ng Lungsod ng Davao)”.

Espesyal para sa pangulo ang petsang Mayo 31 dahil bukod sa kaarawan ito ni Sara, ito rin ang wedding anniversary ng mga yumao niyang magulang.

LATEST

LATEST

TRENDING