Malacañang: OFWs, binibigyan ng VIP treatment pagkarating sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinabulaanan ng Malacañang ang mga naging paratang ng Migrante International tungkol sa aniyang mala-basurang pagtrato sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pag-uwi nila sa Pilipinas.

Naunang sinabi ng naturang grupo na tila ipinatapong parang basura sa mga paliparan ang mga OFWs matapos ang mahabang pananatili sa Kalakhang Maynila ng ilang linggo.

Giit ng Migrante International, “Famished and made to sit close to heaps of junk airport equipment, our kababayans whom the government repeatedly tag as ‘modern-day heroes’ are treated like outcasts as they haplessly await for their provincial flights (Nakaupo malapit sa basura habang gutom – ito ang kalagayan ng mga OFWs habang nag-aantay makauwi bagama’t itinuturing sila ng pamahalaan na mga makabagong bayani)”.

Nanawagan ang group sa OWWA at kay Pangulong Rodrigo na itigil ang ginagawang kapabayaan at sa halip ay buhusan ng tulong ang mga nagsisipag-uwiang OFWs, lalong-lalo na ang mga matatanda, buntis, at may kapansanan.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “Inuwi po natin ang lahat ng manggagawa natin. Binigyan ng libreng PCR [polymerase chain reaction] testing. Binigyan ng libreng pamasahe sa eroplano, sa bus at sa barko”.

“Hindi po ‘yan garbage-like treatment. VIP treatment po ‘yan,” pagbibigay diin ni Roque.

Sa datos noong Mayo 30, 22,426 na OFWs na ang nakauwi sa kani-kanilang mga tahanan matapos sumailalim sa testing at quarantine pagkarating sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING