Kaso ng Covid-19 sa buong mundo, pumalo na sa 6 milyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Bryan Synder

Umabot na sa 6 milyon ang kabuuang mga kaso ng Covid-19 na naitatala sa buong mundo kung saan 2/3 dito ay mula sa Europa at Estados Unidos.

Base sa datos ng 2015 GMT, 6,000,867 na mga kaso na ang naitala habang 366,848 naman ang nasawi.

Nananatiling pinakamalubhang kontinenteng tinamaan ng pandemiya ang Europa na may 2,135,170 na mga kaso at 177,595 na nasawi.

Ang talang ito, na nakuha mula sa mga awtoridad ng mga bansa at sa World Health Organization (WHO), ay estimasyon lamang sa aktwal na bilang ng mga kaso. Maraming mga bansa pa rin na tanging tinetest ay mga may sintomas lamang.

Ang Estidaos Unidos ang pinakamalubhang bansang tinamaan ng Covid-19 na may 1,760,740 na kaso at 103,472 na nasawi.

Mabilis naman ang paglaganap ng nakamamatay na sakit sa Latin America na nakapagtala ng mahigit 45,000 na kaso sa nakalipas na 24 oras para sa kabuuang 944,695 na kaso at 49,230 na nasawi.

LATEST

LATEST

TRENDING