Anti-terror bill, pasado na sa dalawang komite ng Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Aprubado na ng dalawang komite sa Kamara ang panukalang pagpapaigting ng batas kontra terorismo na naglalayong palitan ang Human Security Act of 2007.

Sinang-ayunan ng House Committee on Public Order and Safety at Committee on National Defense and Security, na pinamumunuan ni Masbate Rep. Narciso Bravo Jr. at Iloilo Rep. Raul Tupas, ang naturang panukalang batas laban sa terorismo.

Ayon kay Bravo, ang House bill ay katulad ng bersyon sa Senado na inaprubahan noong Pebrero upang maiwasan ang pagpupulong ng bicameral conference.

Ang panukalang Anti-Terrorism Act of 2020 ay magbibigay ng matibay na sandigan upang tugutan ang pagresponde ng pamahalaan kontra terorismo; sapat na kagamitan sa mga awtoridad upang sugpuin ang terorismo; at pagprotekta sa mga karapatan ng mga inakusahan.

Ilang probisyon naman mula sa bersyon ng Senado ay ang: pang habang buhay na pagkakakulong na walang parole sa mga magsasagawa ng terorismo at sa mga tutulong sa pagbibigay ng suportang materyal sa mga terorista o paghikayat ng tao na sumali sa teroristang organisasyon.

Mahaharap sa 12 taong pagkakakulong ang sino mang lalabag sa panukalang batas. Titiyakin din sa nasabing bill na hindi papahintulutan ang paggamit ng mga banyagang terorista sa bansa bilang transit point, o lugar kung saan maaaring magsanay ang mga terorista.

Tinanggal din sa naturang bill ang probisyon sa pagbabayad ng P500,000 na danyos sa bawat araw ng pagkakulong ng akusadong mapapatunayang inosente. Subalit, ang bilang ng pagkaka-detain ng isang akusado na inaresto ng walang warrant ay 14 na araw na puwedeng pahabain hanggang sa 10 araw.

Itatatag naman ang piling Regional Trial Courts (RTCs) bilang mga Anti-Terror Courts upang mas mapabilis ang pagproseso sa mga kaso. Papayagan din ang pagtestigo ng mga akusado at testigo sa pamamagitan ng videoconferencing.

Maaari ring makapagsagawa ng 60-day suveillance ang pulis at militar para sa mga pinaghihinalaang terorista, at maaari itong palawigin sa hanggang 30 na araw basta’t may pahintulot mula sa Court of Appeals (CA).

Dahil sa pangamabang maaaring umabuso ang mga awtoridad, kailangang ipagbigay-alam sa Commission on Human Rights (CHR) ang sino mang ide-detain na pinaghihinalaang terorista.

LATEST

LATEST

TRENDING