TV at radyo, gagamitin sa pag-aaral ngayong darating na pasukan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Paggamit ng telebisyon at radyo bilang alternatibong pamamaraan ng pagtuturo ang naiisip na plano ng Department of Education (DepEd) upang tugutan ang edukasyon ng mga mag-aaral sa kalagitnaan ng krisis na hatid ng Covid-19.

Ito ay matapos mangamba ang ilang mga magulang at grupo na baka hindi maging matagumpay ang virtual learning sa pamamagitan ng internet. Ayon sa DepEd, bagama’t marami sa mga mag-aaral at guro ang may cellphone, hindi naman lahat nakakapag-internet.

Nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa paggamit ng mga istasyon ng TV at radyo upang tugutan ang pag-aaral ng mga estudyante. 

“Lahat po ng private companies na media ay pupuwedeng i-tap po and if ABS-CBN can come back on the air, I’m sure as a way of showing the commitment to the Filipino people, that they will allow their broadcast to be used for educational purposes (Kung babalik na sa ere ang ABS-CBN, sigurado akong papayag silang gamitin ang kanilang istasyon para sa edukasyon ng mga mag-aaral bilang simbolo ng kanilang patuloy na paglilingkod sa Pilipino),” pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones.

Binigyang diin ng DepEd na hangga’t wala pang pahintulot mula sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), hindi muna magdaraos ng pisikal na klase upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante kontra Covid-19.

Magpapatupad naman ng remote enrollment ang DepEd simula Hunyo 1. Puspusan na rin ang paghahanda nito para sa Oplan Balik Eskwela at Brigada Eskwela

LATEST

LATEST

TRENDING