Mga pagupitan at salon, balik-operasyon sa GCQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Balik-operasyon na ang mga pagupitan at salon sa mga lugar na may general community quarantine (GCQ) simula Hunyo 7, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Earlier opening was reconsidered in recognition of the very strict health protocol that was developed and to be adopted before they can be allowed to operate to prevent any risk of Covid-19 transmission, as well as the need to start bringing back the jobs of the estimated 400,000 workers in the industry working in over 35,000 shops (Pinayagan ang pagbubukas alinsunod sa paglalagay ng striktong health protocol na susundin sa pagbabalik-operasyon; at sa pangangailangang makapagbigay hanapbuhay sa tinatayang nasa 400,000 na mga manggawa sa naturang industriya sa loob ng 35,000 barber shops),” pahayag ni Lopez sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID)

Subalit, hanggang sa 30% na kapasidad lang ng mga barbershop at salon ang pinapayagan sa GCQ areas at 50% naman sa mga modified GCQ areas.

Only one of three seats will be allowed first, (Isa sa tatlong upuan ang papayagan muna),” pagbibigay linaw ng kalihim sa 30% na pamantayan sa pagbubukas ng mga salon at barbershop.

Hindi na rin daw mangangailangan ng akredistasyon upang hindi na maantala ang pagbubukas. Ngunit, magkakaroon aniya ng operations audit at ang mga lalabag ay ipapasara.

LATEST

LATEST

TRENDING