Mahigit 7,000 na Covid-19 cases, hindi pa kasama sa opisyal na datos ng DOH ayon sa mga eksperto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Tinatayang nasa 7,119 na mga nagpositibo sa Covid-19 ang hindi pa naipapabilang sa opisyal na tala ng Department of Health (DOH), ayon sa ilang eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

Kung naipabilang ang mga ito, lumobo na aniya ang kabuuang bilang sa 21,154 noong Mayo 24. Ito ang binanggit sa isang pag-aaral na inilabas noong Mayo 28 ng mga propesor na sina Guido David, Ranjit Singh Rye, at mananaliksik na si Ma. Patricia Agbulos.

Sinabi ng mga dalubhasa na ayon sa datos ng DOH, hindi nagbago mula Mayo 16 hanggang 25 ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR).  

If we include the cases for validation in NCR in the forecasts, then the projection is 12,700 total COVID-19 cases and 920 deaths by June 15 (Kung isasama natin ang mga kasong iva-validate pa, ang inaasahang bilang ay 12,700 na karagdagang mga kaso at 920 na bilang ng nasawi sa Hunyo 15)” dagdag pa ng mga ito.

Sa datos noong Mayo 27, 9,721 ang bilang mga kaso at 669 ang nasawi sa Metro Manila. Hindi pa rin daw matiyak kung na “flatten” na ng NCR ang curve.

Bukod sa Kamaynilaan, itinuring ding “high-risk” areas ng mga ito ang Bataan, Laguna, at Lungsod ng Davao dahil sa dami ng mga kaso ng Covid-19 dito.

Inirekomenda naman ng grupo na ayusin ng DOH ang paglalabas nito ng datos upang mas madaling matulungan ang mga eksperto sa kanilang mga ginagawang forecast at analysis.

Bukod dito, iginiit din nila ang pagpapalawak sa kapasidad ng testing bunsod ng pagtransisyon ng bansa patungo sa mas magaang quarantine protocols.

LATEST

LATEST

TRENDING