Land Bank, naglaan ng P3 bilyon para sa student loans

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga paaaralan na magpatupad ng sistemang hulugan para sa tuition ng mga estudyante bilang konsiderasyon sa mga magulang na nahihirapan sa aspetong pinansyal ng buhay dahil sa krisis na hatid ng Covid-19.

 “Iyong tuition ho sana — I hope that you’d allow a staggered payment or installments lang po sa mga eskwelahan,” giit ni Duterte.

Ipinag-utos din nito sa Land Bank of the Philippines (Land Bank) na magbigay ng student loans sa mga mag-aaral lalo na ang mga nahihirapang magbayad ng tuition.

Tiniyak ng pagnulo sa mga magulang na nawalan ng trabaho na makakapagbayad pa rin ng tuition ang kanilang mga anak dahil sa loans mula sa Land Bank.

We are hard-pressed in our finances but we have to place the premium of education. So that this would be another round of expenses but Land Bank is there to help you (Kasalukuyan tayong nahihirapan sa mga bayarin subalit mahalaga pa rin ang edukasyon. Narito ang Land Bank upang tulungan kayo)”, pagbibigay diin ng pangulo.

Ipinag-utos din nito sa nasabing bangko na maglabas ng arawang ulat tungkol sa mga loans na ibinibigay sa mga benepisyaryo.

Naunang inanunsyo ng Land Bank na ipinatupad nito ang programang ACADEME o Access to Academic Development to Empower the Masses towards Endless Opportunities na layuning magpautang sa mga pribadong high schools, pribadong technical-vocational education training institutions, colleges at universities sa ilalim ng “study now, pay later” na patakaran.

Ang nasabing loans at may interes na 3 percent per annum at maaaring bayaran “based on the maturity of the sub-promissory notes but not to exceed three years (batay sa maturity ng sub-promissory notes subalit hindi lalagpas ng tatlong taon)”.

Maglalaan ng P3 bilyon ang Land Bank sa naturang lending program hanggang Hunyo 30 sa susunod na taon (2021) para sa mga estudyanteng naipit sa Covid-19 krisis.

LATEST

LATEST

TRENDING