Ekonomiya at doubling rate ng virus, naging basehan sa pagdeklara ng GCQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Lino Santos

Inaprubahan na noong Mayo 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapagaan ng community quarantine sa ilang bahagi ng bansa.

Simula Hunyo 1, sasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Pangasinan, Albay, at Davao City. Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay sasailalim sa  modified general community quarantine (MGCQ).

Sinabi ng Malacañang na isa sa mga pinagbasehan ng naturang deklarasyon ay ang pagpapabagal ng doubling rate ng mga kaso ng Covid-19 sa Kamaynilaan. Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang doubling rate ng coronavirus ay bumagal na sa pitong araw, malayong-malayo mula sa dating dalawa hanggang tatlong araw noong Marso.

Pinagbasehan din ng pamahalaan ang pangangailangang buksan na ang ekonomiyang naparalisa ng dalawang buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “We need to jumpstart the economy… the government cannot let its citizens stay out of work for too long (Kailangan na nating buksan ang ekonomiya… hindi maaaring pahintulutan ng pamahalaan na hindi makakapaghanap-buhay ang taumbayan sa matagal na panahon)”.

Hindi na rin daw kayang magbigay ng pamahalaan ng sapat na ayudang pinansyal sa mga mahihirap dahil sa unti-unting pagkaubos ng pondo, dagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo.

LATEST

LATEST