Duterte, muling umuwi sa Davao sa kasagsagan ng community quarantine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Muling umuwi si Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod ng Davao dalawang araw bago ang pagpapaluwag ng quarantine protocols sa buong kapuluan.

Noong Mayo 16, unang umuwi si Duterte sa Davao matapos ang dalawang buwang pananatili sa Palasyo dahil sa paglaganap ng Covid-19 sa bansa. Bumalik naman ito ng Maynila matapos ang tatlong araw.

Sumailalim sa self-quarantine ang pangulo matapos magpostibo sa nakamamatay sa sakit ang mga nakasalamuha nito. Subalit, nagnegatibo naman si Duterte sa Covid-19 test.

Ipapatupad ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, Cebu, at Mandaue matapos ang dalawang buwang paghihigpit sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ang natitirang bahagi ng Central Visayas, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Pangasinan, Albay, Zamboanga City at Davao City ay sasailalim din sa GCQ.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay sasailalim sa modified GCQ, ang pinakamaluwag na uri ng quarantine.

LATEST

LATEST

TRENDING