Año: High-risk areas ng NCR, posibleng sumailalim sa “localized, targeted” lockdowns

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DILG Secretary Eduardo Año

Magpapatuloy pa rin ang localized, targeted lockdowns sa mga lugar na may matataas na bilang ng Covid-19 sa Metro Manila bagama’t ipapatupad na ang general community quarantine (GCQ) sa Hunyo 1, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Maaaring ipatupad ng mga pamahalaang lokal ang lockdown sa permiso ng regional Inter-Agency Task Force on COVID-19 response.

But the local chief executives the governors, the mayors they can immediately declare a lockdown and it will just be concurred by the regional IAFT. If there is a conflict, then the national IATF will step in (Maaaring magpatupad ng lockdown ang mga alkalde at gobernador sa pahintulot ng regional IATF. Subalit, kung magkakaproblema, reresolbahin ito ng national IATF),” wika ni Año.

Simula Hunyo 1, sasailalim sa GCQ ang Metro Manila, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Pangasinan, Albay, at Davao City. Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay sasailalim sa  modified general community quarantine (MGCQ).

Under GCQ, people are freer to move around within the LGU that’s why we’re saying the barangay quarantine pass may no longer be needed. But if you are crossing one LGU to another, specifically a province to another province to a region, you have to secure a travel pass from the Philippine National Police (Sa GCQ, hindi na kailangan ang barangay quarantine pass sapagkat maaari nang makagalaw sa loob ng LGU. Subalit, kung tatawid naman sa ibang LGU, o sa ibang lalawigan, kailangan munang kumuha ng travel pass mula sa PNP),” paliwanang ng kalihim.

Ayon din kay Año, papayagan din ang pagbiyahe ng mga bus na pangangasiwaan ng Department of Transportation (DoTr). Magiging calibrated aniya ito at mag-uumpisa sa bilang na 300, bilang pagtugon sa kakulangan ng LRT at MRT, at dahan-dahang tataasan.

DOTr ang magpapasya kung aling mga operator ng bus ang ipapabilang sa operasyon. Papahintulutan na rin ang mga modernong jeepney sa kalye alinsunod sa mahigpit na physical distancing. Pinag-aaralan naman ng ahensya kung paano oobserbahan ang physical distancing sa mga tradisyunal na jeepney.

Sa usapin naman ng contact tracing, sinabi ng kalihim na mas paiigtingin pa ang mga ginagawang hakbang dito.

Giit niya, “Bus terminals are required to make a logbook and get names and telephone numbers of passengers for possible contact tracing if there is a need (Kukunin ng mga bus terminals ang lahat ng detalye ng mga pasahero para sa posibleng contact tracing kung kinakailangan”.

This is now our life, our new normal. Everything has to be reported. We still don’t have the vaccine, (Ito na ang buhay natin ngayon. Lahat ay kailangan i-ulat. Wala pa tayong bakuna), ” dagdag pa ni Año.

LATEST

LATEST

TRENDING