Vietnam, patuloy ang pagsuplay ng bigas sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc (kanan)

Tiniyak ni Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc na patuloy ang pagbibigay ng Vietnam ng suplay ng bigas sa Pilipinas habang nasa kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Ito ay matapos ang pagpupulong na ginawa nina Phuc at ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono.

We assure you that Vietnam will continue to supply rice to the Philippines on a long-term basis at competitive prices (Sinisiguro ng Vietnam na patuloy itong magusuplay ng bigas sa Pilipinas sa mahabang panahon at sa murang presyo,” wika ni Phuc.

Pinasalamatan naman ni Duterte si Phuc sa kanyang naging pangako at iginiit na mahalagang katuwang sa food security ng bansa ang Vietnam dahil ito ang pangunahing rice importer ng Pilipinas.

Mula Enero hanggang Abril 2020, nag-angkat ng 728,979.07 metric tons ng bigas ang Pilipinas, ayon sa datos ng Bureau of Plant Industry. Vietnam ang panguanhing pinagkunan ng bigas sa kabuuang 632,482.85 MT.

Bukod sa sapat na suplay ng bigas, binigyang diin din ng pangulo ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga medical equipment para sa mga frontliners. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ilang palisiya ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang pagtugon sa pandemiya katulad ng ASEAN Response Fund and the ASEAN Regional Reserve Medical Supplies.

Pinuri rin ni Duterte ang naging pagresponde ng Vietnam sa Covid-19 krisis. Ayon sa pangulo, parehong may mga “best practices” ang Pilipinas at Vietnam.

Samantala, Sinabi naman ni Phuc said, “[w]e appreciate the strong measures of the Philippines in fighting COVID-19, including preventing community transmission, implementing community quarantine measures and providing social protection to the Filipino people (Natutuwa kami sa mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas kontra Covid-19 katulad ng pagpipigil ng community transmission, pagpapatupad ng community quarantine, at pagbibigay ayuda sa mga Pilipino).”

LATEST

LATEST

TRENDING