Trump, gustong ipasara ang social media dahil sa pamumuna nito sa kanya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos

Nagbanta si Pangulong Donald Trump na ipapasara niya ang mga social media platforms matapos aksyunan ng Twitter sa kauna-unahang pagkakataon ang mga maling impormasyon nitong tini-tweet.

Sinabi ng mga tagapayo ni Trump na maglalabas ito ng isang executive order hinggil sa usapin ng social media.

Pinuna ng Twitter ang dalawang tweet ni Trump tungkol sa pagdami ng “mail-in voting” kung saan maaari raw itong makasira sa darating na halalan sa Nobyembre.

Iginiit ng Twitter na wala itong katotohanan at nagpost pa ng link upang kontrahin ang mga paratang ni Trump. Sa loob ng maraming taon, inakusahan ang Twitter sa hindi pagpansin sa mga ginagawang paglabag ni Trump sa mga patakaran nito dahil sa pagpahintulot sa pagti-tweet ng pangulo ng mga fake news at mga personal na insulto.

Ikinagalit naman ni Trump ang ginawang pagpunana sa kanya ng Twitter.

Republicans feel that Social Media Platforms totally silence conservatives voices. We will strongly regulate, or close them down, before we can ever allow this to happen (Hindi gusto ng mga Republican ang ginagawang pambubusal ng mga Social Media Platforms sa boses ng mga konserbatibo. Magpapatupad kami ng paghihigpit o di kaya ay ipapasara sila, upang hindi na ito maulit pa)”, pagbabanta ni Trump.

Agad namang nagtending sa top 10 ng Twitter ang kanyang mga galit na tweet sa ilalim ng hashtag na #TrumpMeltdown.

Subalit, nilinaw naman ni Twitter founder at CEO Jack Dorsey na walang halong pulitika ang ginawang pagpuna ng social media platform kay Trump at ito lamang ay upang maiwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon at fake news.

Sinabi naman ni Kate Ruane ng American Civil Liberties Union, na walang kapangyarihan si Trump na pakialaman ang Twitter dahil labag ito di umano sa Saligang Batas nila.

Kung ihahambing sa kanyang kalaban sa pulitika na si Joe Biden, di hamak na mas maraming Twitter followers si Trump.

Sanay si Trump na gamitin ang social media dahil akma ito sa estilo ng kanyang pakikipag-usap at pagkahumaling sa conspiracy theories, mga tsismis, at mga insultong pambata.

Binanatan naman ni Trump ang kanyang katunggaling si Biden sa Twitter sa pamamagitan ng pag-akusa sa mga Democrat na nagplano itong magsagawa di umano ng kudeta laban sa kanya.

LATEST

LATEST

TRENDING