Duterte: Covid-19 testing supplies, hindi overpriced

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na overpriced ang mga nabiling testing supplies ng Department of Health (DOH) bilang pagtugon sa pambabatikos ng ilang mga mambabatas at pagdepensa kay DOH Secretary Francisco Duque III.

Aniya, “‘Yung mga test, test na sinasabi nila, na they unfairly drag the name of Secretary Duque, hindi ho totoo ‘yun. Ang nagbili noon, ang budget pati, ‘yung Office of the President mismo.”

Iginiit ni Duterte na ang mga supplier na nag-alok di umano ng mababang presyo ay hindi lumahok sa bidding. Sa katunayan, mataas ang inisyal na alok ng mga ito.

 “Ganoon ang nangyari,” depensa ni Duterte. “We will have a report coming your way, and that is the stand of the Office of the President (May ilalabas na ulat ang Opisina ng Presidente). Kami ho ang nag-utos niyan na dito na sa budget para pag-relase sa pera, madali, diretso na,” dagdag pa ng pangulo.

Kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang halagang ibinayad ng PhilHealth para sa Covid-19 testing dahil ito ay overpriced aniya.

Ang coverage ng PhilHealth para sa Covid-19 test ay nasa ₱2,710 hanggang ₱8,150. Mas mababa naman ang bayad kung ang gagamiting test kit ay binigay bilang donasyon.

Ipinahayag ni Drilon na mas mura nang kalahati ang testing services ng Philippine Red Cross. Maaari raw mawalan ng aabot sa ₱8 bilyon ang pamahalaan dahil  sa overpriced testing fees na sinisingil ng PhilHealth.

LATEST

LATEST