Duterte at DepEd, pareho ang posisyon tungkol sa pagbubukas ng klase

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DepEd Secretary Leonor Briones

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na walang isyu tungkol sa pagitan ng planong pagtuloy ng pasukan sa Agosto at ang mga pagtutol ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pisikal na pagdaraos ng klase hangga’t wala pang bakuna kontra Covid-19.

Iginiit ni Briones na sang-ayon ang DepEd kay Duterte na hindi papayagan ang face-to-face learning sa pagbubukas ng pasukan sa Agosto habang nasa kasagsagan ng pandemiya.

“Pareho ang posisyon namin dahil ayaw din namin dikit-dikit ang klase,” paglilinaw ni Briones.

Naunang binanggit ni Duterte na “I will not allow the opening of classes (Hindi ko papayagan ang pagbubukas ng klase) na magdikit-dikit ‘yang mga bata”.

Dagdag pa ng pangulo, “Unless I am sure that they are really safe, it’s useless to be talking about the opening of classes (Hangga’t hindi pa tiyak ang kaligtasan, hindi dapat pag-usapan ang pagbubukas ng klase). Para sa akin, bakuna muna. Kapag nandiyan ‘yung bakuna, okay na”.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ipinagbabawal ng pangulo ay ang pisikal na pagdaraos ng klase sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng community quarantine. 

Nakatakdang magbukas ang pasukan sa darating na Agosto 24, subalit hindi obligadong pisikal na pumasok ang mga guro at mag-aaral bunsod ng pagpapatupad ng mga alternatibo sa pisikal na pagdaraos ng klase.

LATEST

LATEST

TRENDING