Yorme: Maynila, handa na sa GCQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso

Nakahanda na ang lungsod ng Maynila sakaling ipatupad ang general community quarantine (GCQ) sa Hunyo 1, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso.

Nakahain na raw ang ilang plano alinsunod sa kung aling kategoryga ipapasailalim ang Maynila. Matatandaang inirekomenda ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ipasailalim sa GCQ ang NCR sa darating na Hunyo 1.

Bilang paghahanda, nagbukas ng panglimang quarantine facility ang Maynila na may 41-bed capacity sa Arellano High School sa Sta. Cruz. Ang ibang quarantine facilities naman ng lungsod ay ang Delpan Quarantine Facility, Araullo High School, Tondo High School at T. Paez Elementary School.

Nilinaw ni Yorme na ang mga nasabing pasilidad ay hindi para sa mga nagpositibo sa Covid-19 kundi para sa mga probable persons under investigation.

Aniya, “For proper information ng ating mga kababayan, ang quarantine facilities na tinatayo natin ay hindi Covid-19 patient facilities, these are for probable PUIs who were tested positive with rapid testing kit, mass testing effort of the city and those showing symptoms and will be submitted to swab testing and awaiting result of swab testing (ito ay para sa mga probable PUIs na nagpositibo sa rapid test, mass testing effort ng lungsod, at para sa mga may sintomas, at ang mga ito ay isusumite sa swab testing at aantayin ang resulta ng swab testing) kailangan natin pansamantalang mailayo sila sa kanilang pamilya within the community area at mailayo din sa kapahamakan”.

Pagkatapos mailabas ang resulta sa swab test, ang mga nagnegatibo ay papauwiin sa kanilang mga tahanan samantalanag ilalagay naman sa healthcare facility ang mga nagpositibo, lalo na ang mga may malulubhang kondisyon.

Nasa 9,763 swab tests at 58,269 rapid tests na ang naisasagawa ng Maynila.

LATEST

LATEST