Pinakamataas na “spike” sa bilang ng Covid-19 cases, naitala ng DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 539 na mga panibagong kaso ng Covid-19 noong Mayo 28. Ito na ang pinakamataas na “spike” sa mga bagong kasong naitala simula noong nag-umpisa ang Covid-19 pandemic sa bansa.

Ang pangalawang pinakamataas ay naitala noong Maso 31 pa sa 538 na kaso. 61% o 330 sa mga panibagong kaso ay naitala sa Metro Manila bahang 10% naman ay nagmula sa Central Visayas.

Kasalukuyang nasa 15,588 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa bansa habang nasa 11,069 ang active cases.

Samantala, 92 na ang mga bagong gumaling para sa kabuuang 3,598. Ang mga nasawi naman ay aabot na sa 921.

Ipinaliwanag ng DOH na ang naranasang spike ay dahil sa biglang pagsama kabuuang tala ng mga positibong resulta ng ilang balikbayang overseas Filipino workers (OFWs). Subalit, nasa 10% lamang ng mga balikbayang OFWs ang kumakatawan sa mga panibagong kaso ayon sa datos ng ahensya.

Ang pagdagdag ng mga data encoders ay nakikita rin bilang dahilan sa pagtaas ng mga naitatalang kaso habang tinutugunan ng DOH ang mga backlog nito sa test data recording.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, layunin ng ahensya na tapusin na ang lahat ng backlogs na aabot na sa 3,683. Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo na bawasan na ang mga ito.

Inaasahang mag-aanunsyo sa Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa magiging estado ng community quarantine sa bansa sa gabi ng Mayo 28.

LATEST

LATEST

TRENDING