Malacañang: GCQ sa Kamaynilaan, malaki ang posibilidad

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Joey Razon

Bagama’t patuloy ang bantang hatid ng Covid-19, posibleng ipatupad ang mas magaang general community quarantine (GCQ) sa Kamaynilaan sa darating na Hunyo, ayon sa Palasyo.

Sa isang pagpupulong ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila, inirekomenda nito ang pagpapatupad ng GCQ sa Metro Manila simula Hunyo 1 upang mabuksang muli ang ekonomiyang naparalisa ng dalawang buwan.

Bubusisiin naman ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Inaasahang magbabalangkas ng rekomendasyon ang IATF-EID na isusumite sa pangulo hinggil sa estado ng community quarantine sa buong kapuluan.

Tiniyak ni Roque na alam ng pamahalaan ang mga mangyayari kung sakaling aaprubahan ang panukalang GCQ sa Metro Manila. Pinaalalahanan din nito ang mga employers na ipinalisa na ang mga patakarang ipatutupad tungkol sa working arrangements ng kanilang mga empleyado upang masigurong masusunod ang mga quarantine protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

 “So we’re appealing in fact to both private and the public sector to ensure at least 50-50 workforce. It doesn’t mean that work stops because I think by now, we’re used to working at home (Umaapela kami sa pampubliko at pribadong sektor na siguraduhin ang 50-50 workfoce. Hindi ito nangangahulugan na ititigil ang trabaho kasi sa ngayon sanay naman na siguro tayo sa ‘work from home’”, giit ng tagapagsalita ng pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING