GCQ, iminungkahi kay Duterte para sa Kamaynilaan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Isang miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang nagmungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipasailalim ang Kamaynilaan sa general community quarantine (GCQ). 

Kasalukuyang umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila hanggang Mayo 31, kung saan maaaring magbalik-operasyon ang ilang industriya sa 50% na kapasidad. Sa ilalim ng GCQ, tataas sa 75% ang kapasidad na pinapayagan sa mga industriya.

“Sa tingin ko magdedesisyon ang ating Pangulo mamayang gabi (Mayo 28),” ayon kay Interior Secretary Eduado Año.  Dagdag pa niya, “Ito (rekomendasyon) ay ang paglilipat ng mga lugar na from GCQ ay magiging modfied GCQ at iba namang modified ECQ ay mapupunta na sa GCQ lalong-lalo na ang Metro Manila”.

Sa ilalim ng GCQ, ang mga “high-risk” na barangays na makapagtatala ng dalawang bagong kaso ng Covid-19 sa loob ng pitong araw na monitoring ay ituturing na “critical zones,” ayon sa kalihim.

Ipagbabawal ang pagpasok at paglabas ng tao sa mga lugar na ito, kung saan ihihiwalay ang mga nagpositibong mga pasyente at itetest ang mga nakasalamuha nito.

Sa GCQ, magbubukas naman ang mga tindahan ng pangunahing bilihin at mga damit sa mga mall habang mananatiling sarado ang mga leisure at dine-in restaurant services.  Balik-operasyon na ulit ang  MRT, LRT, mga taxi, at traysikel na maaari lamang magsakay ng isang pasahero.

Sa ilalim naman ng modified GCQ, magbubukas muli ang mga barbershops, fitness gyms, at dine-in services. Papayagan naman hanggang sa 50% kapasidad kaakibat ang pagsunod sa physical distancing ang mga religious gatherings. 

Kasalukuyang pinag-uusapan ng mga awtoridad ang gagawing patakaran para sa mga teatro at sinehan. Pahihintulutan naman ang domestic flights sa piling mga paliparan. 

“Marami talagang pagbabago na mangyayari dahil ito na ang kakaharapin natin habang wala pang bakuna, dapat ay nag-iingat tayong lahat,” wika ni Año.

LATEST

LATEST

TRENDING