Duterte, ginamit ang lahat ng emergency powers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng emergency powers na ibinigay sa kanya ng Kamara upang mas mapabilis ang pagtugon sa Covid-19 pandemic, ayon sa Malacañang.

Sa pag-expire ng Bayanihan to Heal as One Act sa loob ng isang buwan, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ginawa ng pangulo ang lahat ng makakaya upang solusyunan ang krisis na dulot ng Covid-19.

Ang Bayanihan to Heal as One Act, na isinabatas noong Marso 24 at magtatagal lamang ng tatlong buwan, ay nagbigay ng karagdagang kapangyarihan kay Duterte upang maaksyunan ang krisis na hatid ng Covid-19.

Isa sa mga ginawa ng pangulo ay i-realign ang badyet ng pamahalaan. Inanunsyo ng Malacañang noong Mayo 24, na aabot sa P150 bilyon mula sa badyet ng ehekutibo ang nailipat upang gugugulin sa gastusin para sa Covid-19 response. Ito ay matapos utusan ng pangulo si Budget Secretary Wendel Avisado na kumalap ng karagdagang pondong gagamitin para sa laban kontra Covid-19.

Nabanggit din ni Roque na ginamit ng pangulo ang ibinigay na kapangyarihan upang mapabilis ang pagbili ng mga personal protective equipment (PPE) set at medical supplies para sa mga frontliners.

Aniya, “Pagdating po sa procurement, meron na po tayong kumbaga, stockpile ng PPE at na-order na rin po yung mga ibang kailangan natin kasama na po ang mga ventilator.”

Iginiit naman ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na kinakailangang patagalin pa ang emergency powers ng pangulo hanggang Setyembre dahil sa hindi pa natatanaw ang pagtatapos ng Covid-19 pandemic.

Balak ni Rodriguez na maghain ng panukalang batas ukol sa kanyang mungkahi. Kung hindi makapagpapasa ng panukalang batas bago mag Mayo 30, posibleng humingi ang pangulo ng special session sa mga kongresista habang naka recess sakaling naisin nitong mapanatili pa ang kanyang emergency powers.

LATEST

LATEST

TRENDING