Bato, “mahirap na ang buhay” dahil sa pisikal na pagdalo sa susunod na sesyon ng Senado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Naglahong parang bula ang “masarap” na estado ng buhay ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos hilingin ng mga kapwa senador na pisikal itong dumalo sa susunod na sesyon ng Senado sa darating na Lunes, Hunyo 1.

Ito ay matapos umalingawngaw sa social media ang senador dahil sa naging komento nito sa pagtatapos ng “hybrid” session ng Senado noong Mayo 26. Aniya, “Sarap ng buhay, sarap ng buhay, ganto na lang tayo palagi ha?”

Umani ng batikos ang di umano’y insensetibong komento na hindi naaayon ngayong panahon ng Covid-19 krisis.

We are hereby directing Senator Bato dela Rosa to attend the session on Monday physically because he’s becoming very popular in social media (Ipinag-uutos namin kay Senador Bato dela Rosa na pisikal na dumalo sa darating na sesyon sa Lunes sapagkat masyado na siyang sumisikat sa social media,” giit ni Senate President Vicente Sotto III. Ito rin ay upang makadalo raw si Dela Rosa sa pa-merienda ni Senador Panfilo Lacson sa kaarawan nito sa Lunes, pabirong dagdag ni Sotto.

Pumayag naman si Dela Rosa sa kahilingan ng mga kapwa senador.

Naunang inamyendahan ng Senado ang mga patakaran nito upang mapayagan ang ilang senador na dumalo sa sesyon sa pamamagitan ng teleconferencing, kung kinakailangan.

Kasalukuyan itong nagsasagawa ng “hybrid” sessions, kung saan may mga senador na pisikal na pumapasok sa session hall, habang ang iba naman ay dumadalo sa pamamagitan ng video chat.

Sa darating na Lunes, posibleng si Dela Rosa lang ang natatanging papasok sa session hall. “Mahirap na ang buhay kasi hanggang alas-10 na siya sa Senado,” pabirong tugon ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri.

LATEST

LATEST

TRENDING