Palasyo, pabor sa tatlong buwan na extension ng Bayanihan Act

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Sang-ayon si Presidential Spokesperson Harry Roque sa panukalang patagalin pa ang Bayanihan to Heal as One Act ng tatlo pang buwan. Aniya, kinakailangan ang nasabing batas lalo na’t wala pang bakunang natutuklasan kontra Covid-19.

Ang Bayanihan to Heal as One Act, na isinabatas noong Marso 25 at magtatagal lamang hanggang Hunyo, ay nagbigay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte upang mas mapabilis ang pagresponde ng pamahalaan sa Covid-19 krisis.

Iginiit ni Roque na nasa sesyon pa rin ang Kongreso sa itinakdang pagtatapos ng Bayanihan Law kaya maaari nitong matugunan kung sakaling hilingin ng pangulo na mapatagal pa ang paggamit niya ng emergency powers.

Sa datos noong Mayo 26, aabot na sa 14,669 ang kumpirmadong nagpositibo sa Covid-19 sa bansa. Sa bilang na ito, 886 na ang nasawi habang 3,412 naman ang gumaling.

LATEST

LATEST

TRENDING