Malacañang: Balik-eskwela sa Agosto, itutuloy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24, ayon sa Palasyo. Ito ay matapos ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang pagdaraos ng face-to-face classes hangga’t wala pang bakuna kontra COVID-19. Sa Hunyo 1, Lunes, ang umpisa ng enrolment.

“Ang sigurado po, tuloy ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang isyu na lang, ano ang sitwasyon pagdating ng Agosto 24: ito ba ay sapat na para tayo ay mag-face-to-face [classes] o blended,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Naunang binanggit ni Roque na papayagan lamang ang face-to-face classes sa mga lugar na wala ng community quarantine sa petsa ng pagbubukas ng pasukan. “Blended learning” naman ang mangyayari sa mga lugar na sumasailalim pa rin sa quarantine kung saan gagamit ng internet, radyo, at telebisyon sa pagtuturo sa mga mag-aaral.

Ayon naman kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, maaaring magbukas ang mga paaralan basta’t masusunod ang minimum health standards. Kung hindi, ipagpaliban na muna ang pagbubukas ng pasukan hangga’t  wala pang bakuna.

LATEST

LATEST