Duterte: Mga may-ari ng paupahan, dapat sumunod sa itinakdang 30-day grace period

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Pinaalalahanan ng Malacañang ang lahat ng mga may-ari ng paupahan ng commercial at residential na establishimento na sumunod sa itinakdang mandatoryong 30-day grace period sa mga rentang papatak sa kasagsagan community quarantine.

Sinabi nito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos pumutok ang balitang pinalayas ng isang landlady sa Caloocan City ang kanyang tenant na buntis sa pamamagitan ng pagtanggal ng bubong at pintuan dahil sa hindi nito pagbabayad ng renta.

Sa video na inupload sa Facebook, makikitang tinutulungan ng mga kapitbahay ng napalayas na si Princess Remureran na itago ang kanyang mga kagamitan dahil sa pagtanggal ng bubong ng kanyang landlady na si Tessie Banico. Ibinalik naman ni Banico ang bubong matapos masaksihang nababasa na ang mga gamit ng kanyang tenant. Ayon sa landlady, nagawa lamang niya ito dahil kinailangan niya ang pera matapos maaksidente ang kanyang asawa.

Nilutas naman ng pamahalaang lokal ng Caloocan ang isyu ay nangakong magbibigay ng tulong pinansyal at mga food packs.

Let us remind our people (Pinapaalalahanan namin ang publiko) po na meron pong guidelines ang IATF sa panahon ng ECQ, MECQ, GCQ. Dapat po ay merong grace period na binibigay sa mga umuupa,” giit ni Roque.

Binigyang diin din nito na maaari lamang magkolekta ng bayad sa renta pagkatapos ng community quarantine. Aniya, Hindi po dapat nangyari yan dahil may stipulated grace period. Patapusin muna natin ang mga community quarantine at saka po tayo maningil ng pagkakautang”.

Noong nakaraang buwan, inabishuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga landlords na huwag piliting magbayad ang mga tenants habang nasa kalagitnaan ng pandemiya.

Lahat tayo nawalaan ng income. I’d like to ask the owners na kung maaari, ‘yung sa lote, to suspend ‘yung sa bahay. Huwag mo munang hingiin kasi wala talaga o kaya naghihirap ngayon,” giit ni Duterte.

Ang probisyon ng 30-day grace period para sa pagbabayad ng upa ay nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act at sa Department of Trade and Industry (DTI) Memorandum Circular (MC) 20-12 series of 2020.

Dagdag pa, hindi maaaring patawan ng interest, penalties, o iba pang mga multa ang mga rentang papatak sa loob ng 30-day grace period na ito.

Ang mga paupahang lalabag ay maaaring makulong ng di bababa sa dalawang buwan o di kaya ay pagmumultahin ng hindi bababa ng P10,000, o pareho.

LATEST

LATEST