Bato, binanatan dahil sa “insensetibong” komento sa gitna ng COVID pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Ronald “Bato” dela Rosa

“Sarap ng buhay, sarap ng buhay, ganto na lang tayo palagi ha?”

Ito ang sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pagtatapos ng halos dalawang oras na “hybrid” plenary session ng Senado noong Mayo 26. Umani ng batikos ang senador matapos sambitin ang mga di umano’y insensetibong komento na hindi naaayon ngayong panahon ng COVID-19 krisis.

Ayon kay Bato bilang paglilinaw, “Kaya nasabi kong ang sarap nang buhay kasi mas mabilis ang talakayan ng bills kapag naka-(WebEx) kami at mas maaga matapos ang session”. Dagdag pa niya,  “Sa tingin ko mas efficient ang session via (WebEx) basta maganda lang ang wifi signal ng attendees”.

Bago sinuspinde ni Senate President Vicente Sotto III ang sesyon, nakapagtalakay lamang ang mga senador ng dalawang panukalang batas: Ang Senate Bill No. 1318 na layuning amyendahan ang Organic Agriculture Act of 2010 at Senate Bill No. 1541 na nais maamyendahan ang Republic Act No. 7797 o “An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days”.

Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng pagdinig ang Senado tungkol sa estado ng mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang tugutan ang pagresponde kontra COVID-19. Dumalo ang ilang matataas na opisyal ng ehekutibo upang sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas.

Kamakailan ay nagpasya ang Senado na magsagawa na lang ng “hybrid” plenary sessions at committee hearings alinsunod sa mga ipinatutupad na paghihigpit ng pamahalaan bunsod ng COVID-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING