Mayor Goma, dismayado sa “Balik Probinsiya” Program

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Ormoc City Mayor Richard Gomez

Nagpahayag ng pagkadismaya si Ormoc City Mayor Richard Gomez tungkol sa kawalan ng koordinasyon sa pagitan ng nasyonal at lokal na pamahalaan tungkol sa implementasyon ng “Balik Probinsiya” program. Nagulat na lang di umano ang alkalde nang makita ang pagdagsa ng mga tao sa kanyang lungsod na “Covid-19 free”.

Ayon kay Gomez, hindi ipinagbigay-alam sa pamahalaang lokal ang pagdating ng mga nagsisipag-uwian noong nakaraang linggo. Aniya,  “The IATF (inter-agency task force) Balik Probinsya program should understand (that) the LGU can only take in so much OFWs. They can’t take in hundreds, thousands (Dapat maunawaan ng IATF Balik Probinsya program na iilan lamang ang kayang tanggapin ng mga LGUs. Hindi nito kayang tumanggap ng daan-daan at libu-libo)”.

Ang Balik Probinsiya program ay isang pet project ni Senador Bong Go na kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang national program. Layunin nitong paunlarin ang mga rehiyon sa bansa upang maibsan ang paninikip sa Kalakhang Maynila.

Nanawagan naman si Mayor Gomez para sa “striktong koordinasyon” mula sa pamahalaang nasyonal at mahigpit na pagsunod sa mga patakaran hinggil sa domestic travel ngayong kasagsagan ng krisis.

We want full cooperation from these agencies. We can’t accept people without documents. We’ve prepared so hard to keep our city COVID-free and then here comes the repatriates coming home. We don’t know whether they’re infected or not (Nais namin ang kooperasyon ng mga ahensya. Hindi kami tatanggap ng mga taong walang pinepresentang dokumento. Ginawa namin lahat upang maging Covid-free ang lungsod subalit biglang nagsipagdatingan itong mga balikbayan na hindi namin alam kung positibo ba sila o hindi sa Covid-19)”, pagbibigay diin ng alkalde.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na lahat ng mga nagsisiuwiang OFWs ay natest sa Covid-19. “Lahat po ng pinauwi na OFWs have health certificates since they have been subjected to PCR tests (ay mayroong health certificates dahil sila ay sumailalim sa PCR tests)”, wika ng tagapagsalita ng pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING