Malacañang: Pangalawang bugso ng ayuda mula sa SAP, puwede nang ipamigay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Maaari nang umpisahan ang distribusyon ng pangalawang bugso ng ayudang pinansyal mula sa Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Palasyo. 17 milyong mahihirap na pamilya ang tinatayang mabibigyan sa pangalawang alon ng SAP.

Na-issue na po nung Biyernes yung memorandum ng Office of the Executive Secretary na puwede na pong ipamahagi yung second tranche ng SAP”, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nakasaad sa nasabing memorandum ang pagdagdag ng limang milyong benepisyaryo sa 12 milyon benepisyaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kabuuang 17 milyong benepisyaryo.

Ang AICS program, na isa sa 13 social amelioration packages ng SAP, ay magbibigay sa mga benepisyaryo ng P3,000 o P5,000 na ayuda kasama ang P25,000 burial assistance kung sakaling may kapamilyang masawi sa Covid-19.

Naunang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Budget Secretary Wendel Avisado na kumalap ng karagdagang pondo upang mas marami ang makatanggap ng ayuda sa pangawalang bugso ng bigayan.

Inaasahan naman ni Roque na magiging mas mabilis ang distribusyon sa pangalawang alon ng SAP matapos magpatupad ng automated disbursement system at hingin ang tulong ng pulis at militar sa pamimigay ng ayuda.

Aniya,Dapat po patuloy na po ang proseso, umuusad na, ang pagkakaiba po e gagamitan namin ng electronic ways para magbayad dun sa ating mga kababayan at tutulong na po ang hukbong sandatahan sa pagdi-distribute ng ayuda”.

Dagdag pa ni Roque,Naniniwala naman po kami na mas mabilis na yung proseso dahil dun sa 12 million ay parehong mga pangalan naman po ‘yan”.

LATEST

LATEST

TRENDING